Archive

Monday, November 11, 2013

NSTP - PLUS Requirement for the Disaster Relief Operations November 12 - 15, 2013



Magandang araw NSTP students!

Kaugnay ng kalamidad sa Visayas na dulot ng bagyong Yolanda, tinatawagan ang lahat ng Ateneo NSTP students na makibahagi sa relief ops ng DSWD sa Covered Courts.

Q: Ano ang gagawin?
A: Mag-rerepack ng goods.  Sa loob ng isang relief pack kailangang may 6 kilos rice, 8 pcs. noodle packs, 8 pcs. instant coffee, 3 cans of sardines, 3 cans of corned beef. Maaari ring magtahi ng mga sako ng bigas.

Q: Required po ba ito?
A: Oo. Required dahil kasama sa NSTP law na kailangang tumugon ang NSTP students sa pambansang relief operations.

Q: Additional po ba ito sa oras na required sa NSTP?
A: Hindi. Kapalit nito ang ilang requirements.

Q: Ilang oras ang kailangan kong ilaan?
A: 4 hours.

Q: Kailangan po bang 4 straight hours?
A: Hindi. Maaaring unti-unting buuin ang 4 hours. Basta magawa ito sa loob ng schedule allotted per formator.

Q: Kailangan ko po ba mag-register? Paano? Saan?
A: Oo. May registration table para sa mga NSTP students  sa Covered Courts kung saan kailangan mo mag time-in at mag time-out.

Q: Puwede po ba akong pumunta kahit anong oras?
A: Oo. Pero make-credit lamang ang oras mo para sa NSTP kung dumalo ka sa nakatakdang schedule ng iyong formator. Para sa mga klase ko (JPaul) Wednesday to Thursday.

Q: Bakit may schedule pa?
A: Para magkaroon ng consistent na manpower sa Cov Courts. Baka kasi magkaroon ng pagkakataong maraming tao sa Cov Courts at walang ginagawa o may panahong maraming gagawin ngunit walang tao. Para rin masiguro na matutugunan ang daily target ng relief packs (12,500 packs per day).

Q: Hindi po ako available sa panahong itinakda ng aking formator. Paano po ito?
A: Makipag-ugnayan sa iyong formator tungkol dito at humingi ng approval.

Q: Nag-volunteer na po ako o nag-donate na po ako sa labas ng Ateneo. Maaari po ba ito i-credit as NSTP hours?
A: Hindi.

No comments: